Manila, Philippines – Karamihan sa mga Pinoy ang umaasa na bubuti ang kanilang pamumuhay at ekonomiya sa susunod na taon.
Batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), 47 percent ng mga Pinoy ay naniniwalang mas lalo pang bubuti ang kanilang kalagayan sa loob ng susunod na labing dalawang buwan.
Four percent lang ang naniniwala na magiging malala ang kanilang sitwasyon.
Ang resulta ng net personal optimism ngayon ay itinuturing ng SWS na isang “excellent” rate, mas mataas ng dalawang puntos kumpara sa datos noong nakaraang taon,
Ang survey ay isinagawa noong September 23 hanggang 27 sa 1,500 tao nationwide.
Facebook Comments