POSITIBO | Malacañang, kumpiyansang magno-normal ang sitwasyon ng supply ng bigas

Manila, Philippines – Positibo ang Malacañang na magiging normal din ang sitwasyon ng supply ng bigas sa susunod na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magsisimula na ang panahon ng anihan kaya inaasahang mareresolba ang kakulangan ng supply ng bigas sa ilang lugar sa bansa.

Ipinagtanggol din ni Roque si Agriculture Secretary Manny Piñol dahil sa umano ay pagsusulong nito na gawing legal ang rice smuggling sa ilang lugar sa Mindanao.


Aniya, na-misquote lamang ang pahayag ni Piñol.

Ang nais ni Piñol ay magtayo ng rice trading center na makakatulong na magkaroon ng steady na supply ng bigas.

Facebook Comments