POSITIBO | Mga mambabatas na susuporta sa TRAIN-2 malaki ang pag-asang manalo sa 2019 Election

Manila, Philippines – Naniniwala ang Political Analyst na si Ramon Casiple na malaki ang pag-asang manalo ng mga senador na muling kakandidato sa 2019 midyear election kung susuporta sa isinusulong na TRAIN 2 o Tax Reform Acceleration and Inclusion law na isinusulong sa Senado.

Sa ginanap na forum sa Maynila, sinabi ni Casiple na hindi maiwawaksi na maging usaping pulitikal ang TRAIN law lalo na at sa susunod na taon ay halalan na naman sa lokal at national.

Paliwanag ni Casiple dito aniya papasok ang pagiging popular at pagkakaroon ng mandato ni Pangulong Rodigo Duterte upang isulong ang TRAIN 2 at may suporta ng mga botante.


Kumbinsido si Casiple na sinumang senador ngayon ang magsusulong ng TRAIN Law ay tiyak na mabebenipisyuhan sa pamamagitan ng suporta ng mga botante.

Facebook Comments