POSITIBO | NTC, kumpiyansa na lalawak pa ang serbisyo ng mga telecom company

Manila, Philippines – Positibo ang National Telecommunications Commission (NTC) na mas lalawak ang serbisyo ng mga network ngayong isang taon na ang validity ng prepaid load.

Ito ay matapos gawing isang taon na ang validity ng mga prepaid load.

Ayon kay Edgardo Cabarios, Deputy Commissioner ng NTC, sakop ng isang taong bisa ng prepaid load ang lahat ng network.


Dahil dito, sabi ni Cabarios posibleng mag-usbungan ang mga promos.

Giit pa ni Gabarios, natitiyak niyang hindi lang mga telcos ang makikinabang rito dahil mas marami ng pwedeng pagpilian ng serbisyo ngayon ang mga prepaid users.

Facebook Comments