Manila, Philippines – Positibo parin ang pananaw ng Palasyo ng Malacañang sa pagbagal ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa sa 2nd quarter ng 2018.
Batay kasi sa impormasyon ay umabot lamang sa 6% ang growth rate ng bansa noong 2nd quarter mula ito sa 6.6% noong 1st quarter ng taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakalulungkot na hindi naging mabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa pero tiyak naman na gagawin ng Pamahalaan ang lahat para mas mapabilis at mapaganda pa ang takbo ng ekonomiya sa mga susunod pang buwan.
Paliwanag ni Roque, susubukan ng Pamahalaan na makamit ang mga target ng bansa sa usapin ng ekonomiya.
pero sinabi ni Roque na hindi naman ito nakababahala dahil mataas parin naman ang 6% GDP.
Nabatid na target ng Pamahalaan ang 7-8% ng GDP target ng Pamahalaan pero sinabi ni Socioeconomic Secretary Ernesto Pernia na kailangang makakuha ang Pilipinas ng 7.7% growth sa mga susunod na buwan para makamit ang 7% growth sa buong taon.