
Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos ng gobyerno ang giyera nito laban sa mga komunistang grupo pagdating ng second quarter ng 2019.
Ayon kay Pangulong Duterte – nananalo na ang gobyerno sa kampanya nito laban sa mga rebeldeng komunista dahil sa pagbagsak ng ilang rebel fronts at pagsuko ng ilang insurgents kasama ang kanilang armas.
Dagdag pa ng Pangulo – marami ring political officers ang sumuko na siyang nagpalakas sa intelligence authorities para tugisin ang iba pang mga rebelde.
Mahalaga ang mga political officers ng mga komunista dahil marami silang nakukuhang impormasyon sa mga ito.
Facebook Comments