Manila, Philippines – Positibo ang pagtugon ng online news organization na Rappler sa desisyon ng Court of Appeals.
Sa kabila ito ng pagpabor ng Appelate Court sa desisyon ng Securities and Exchange Commission na bumabawi sa registration ng Rappler dahil sa paglabag sa constitutional requirement na ang mass media ay dapat 100-percent na pag-aari ng Pilipino.
Lumabas kasi sa imbestigasyon ng SEC na ang Rappler ay pag-aari ng dayuhang kumpanya na Omidyar.
Pero ayon kay Maria Ressa, hindi sila nawawalan ng pag-asa lalo nat pinaburan naman ng Court of Appeals ang kanilang argumento hinggil sa pagkakamali ng SEC nang bawiin ang certificate of incorporation ng Rappler.
Nabigo rin aniya ang SEC na gamitin sa Rappler ang mga panuntunan at regulasyon nito sa pag iimbestiga at pagtrato sa ibang kumpanya na naharap sa katulad na kaso.