Positibong growth rate ng ibang LGUs, hindi dapat makaapekto sa pagbaba ng Alert Level ng Metro Manila

Umaasa ang Department of Health (DOH) na hindi makakaapekto sa pagbaba ng Alert Level ang positibong growth rate ng ibang Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).

Ito ay kahit bumaba sa 5 percent ng positivity rate sa NCR habang ang reproduction number o bilis ng hawaan ay nasa 0.53 na lamang.

Ayon kay Health Sec. Franciso Duque III, kaya lamang nagkaroon ng pagtaas ng kaso sa ilang LGUs ay dahil sa isinagawang aggressive community testing ng mga ito.


Inilahalimbawa naman ng kalihim ang naranasan ng United Kingdom at Amerika kung saan muling sumipa ang kaso ng COVID-19 kahit ibinaba na ang restriksiyon sa nasabing bansa.

Payo ni Duque sa publiko, huwag magpakampante kahit bumababa na ang kaso sa ilang lugar dahil nananatili pa rin ang virus.

Noong nakaraang linggo, umabot na sa 85% ng target population ang fully vaccinated na sa Metro Manila kasabay ng pag-uumpisa ng pagbabakuna sa mga kabataan sa NCR na papalawakin sa buong bansa sa November 3.

Facebook Comments