Umabot na sa 33,069 ang confirmed cases ng Coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naitala ngayong araw ang 778 na panibagong mga kaso kung saan 415 ay mga “fresh” cases habang 363 ang “late” cases.
Walo (8) ang nadagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 1,212.
Habang 255 na mga pasyente ang gumaling sa nakakahawang sakit na may kabuuang 8,910 recoveries.
Samantala, umabot na sa 8,361 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng sampung panibagong kaso.
Nasa 5,076 naman ng mga overseas Filipinos ang nakarecover na habang 513 ang pumanaw dahil sa virus.
Facebook Comments