Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng limang (5) karagdagang positibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan sa loob lamang ng isang araw.
Ang unang positibo ay si CV5347, 54 taong gulang na babae, may asawa at residente ng Barangay San Fermin. Siya po ay isang empleyado na may exposure kay CV5122 na kaniyang katrabaho. Siya ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.
Pangalawa ay si CV5348, 25 taong gulang na lalaki, residente ng Barangay San Fermin at siya ay anak ng nagpositibong si CV5347. Nagkaroon siya ng ubo, sipon, at pamamaga ng lalamunan noong December 29. Siya ngayon ay nasa LGU quarantine facility.
Sumunod ay si CV5349, 33 taong gulang na babae, residente ng Barangay Tagaran. Siya ay may travel history sa bayan ng Naguilian noong December 27 at may exposure kay CV 5089 na kaniyang kasamahan sa trabaho. Nagkaroon siya ng sipon noong December 25. Ngayon ay nasa pangangalaga na siya ng LGU quarantine facility.
Pang-apat ay si CV 5350, 66 taong gulang na babae, may asawa, residente ng Barangay Tagaran at siya ay may direct contact sa kanyang anak na si CV5349. Nagkaroon siya ng sipon noong December 29. Siya ngayon ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.
Pang lima ay si CV5351, 59 taong gulang na lalaki, may asawa, negosyante at residente ng Barangay San Fermin. Nakaranas siya ng ubo, sipon, panghihina at hirap sa paghinga noong December 21, dahilan para siya ay magpakonsulta sa doktor kung saan siya ay kinuhanan ng sample at lumabas ang resulta na siya ay positibo sa COVID-19. Siya ngayon ay naka-admit sa isang hospital quarantine facility.
Kasalukuyan naman ang ginagawang contact tracing ng City Health Office para sa mga taong direktang nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo.