Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng dalawampu’t walo (18) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Isabela.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, 28 na new covid-19 cases ang naitala sa Isabela kung saan labing isa (11) sa bayan ng San Mariano, anim (6) sa City of Ilagan, tatlo (3) sa Quirino, tig-dalawa (2) sa bayan ng Naguilian at Gamu, tig-isa (1) sa bayan ng Cabatuan, Tumauini, San Pablo at Cauayan City.
Kasabay ng mga naitalang bagong kaso, gumaling naman sa virus ang labing lima (15) na mga nagpositibo.
Sa kasalukuyan ay mayroong 184 na total active cases ang Isabela.
Mula sa bilang na 184 active cases, apat (4) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), labing dalawa (12) na Non-Authorized Persons Outside Residence, labing pitong (17) Health Worker, dalawang (2) pulis at 149 na Local Transmission.