*Cauayan City, Isabela*- Negatibo na sa resulta ng corona virus (COVID-19) si PH 4200 mula sa Bayan San Agustin, Isabela matapos ang kanyang ikatlong swab test result.
Ayon kay Health Education and Promotion Officer Lexter Guzman, nananatili pa rin naman sa ospital sa Southern Isabela Medical Center si PH 4805 na isang Medical Technologist mula sa Cauayan City dahil sa ilan pang sintomas ng nakamamatay na sakit ang kanyang nararamdaman.
Samantala, kinumpirma ng pamunuan ng Santiago Medical City na nakauwi na ang kanilang pasyente na si PH4200 matapos ang pakikipaglaban nito sa nakamamatay na sakit.
Ayon sa pahayag ni SMC Medical Chief Dr. Anthony Toquilar sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA-Region 2), muling sasailalim sa 21 days quarantine ang pasyente para matiyak na tuluyan ng maayos ang kanyang sitwasyon maging ang kanyang miyembro ng pamilya.
Sa ngayon ay nananatili nalang sa isa ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.