Positibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City, Higit 400

Cauayan City, Isabela- Tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Tuguegarao City, Cagayan.

As of March 26, nasa 420 ang aktibong kaso ng COVID sa lungsod kung saan nadagdag ang 79 na panibagong kaso.

Sa datos ng City Health Office, malaking porsyento ng mga nag positibo sa sakit ay mula sa komunidad dulot ng local transmission.


Sa kasalukuyan, nakapagtala ng 19 na kaso ng namamatay dahil sa COVID-19 ang siyudad.

Una nang ikinategorya ng Department of Health (DOH) sa ‘high risk’ level ang lungsod dahil sa dumaraming kaso ng nagpopositibo.

Panawagan ng Lokal na Pamahalaan sa publiko na mag-ingat at patuloy na sumunod sa minimum health standards at kung maaari ay iwasan ang magtungo sa mga pampubliko o matataong lugar.

Facebook Comments