Manila, Philippines – Ikinalungkot ng Commission on Human Rights ang positibong reaksyon ng publiko matapos mapatay ng grupo ni Chief Ins. Jovie Espinido si Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog sa kinasang operasyon sa mismong bahay nito.
Kasunod kasi nito, halos magmakaawa pa ang residente ng iba’t ibang siyudad at munisipalidad sa bansa kung saan hiling nila na sana madestino sa kanilang lugar si Chief Inspector Espinido.
Naniniwala kasi sila na isusunod na ni Espinido ang mga opisyal ng gobyerno sa kanilang lugar na sangkot din sa iligal na droga tulad nalang ni Albuera Mayor Espinosa at Ozamis Mayor Parojinog.
Ayon kay CHR spokesperson Jaquiline De Guia, nakakabahala ang ganitong reaksyon
Dagdag pa ng opisyal, ang tunay na hustisya ay makakamit sa puntong buhay na maaresto ang suspek.
Una ng sinabi ni Espinido na hindi niya masasabing tagumpay ang operasyon dahil 15 ang namatay.