Manila, Philippines – Mananatiling ang dedikasyon ng Department of Education sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga magaaral.
Ito ang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, sa kabila ng mas mababang budget na inilaan para sa sektor ng Edukasyon sa darating na 2019.
Mula sa propose budget na nagkakahalaga ng 732.28 billion pesos, nasa 528.8 billion pesos lamang ang inaprubahan na pondo ng DepEd para sa 2019.
Mas mababa ng 8.9% kung ikukumpara sa 580.6 billion pesos na pondo ngayong 2018.
Ayon sa kalihim, batid rin naman nila na magkakaroon ng budget cut dahil sa transition ng pamahalaan sa cash-base budget system.
Gayunpaman, maga-adjust aniya sila, at babalangkas ng plano, programa at mga proyekto para sa sektor ng edukasyon na naaayon sa sistema ng cash base budget system.