POSITIVE | DOF tiwalang bababa ang inflation sa susunod na taon

Manila, Philippines – Positibo si DOF Assistant Secretary Antonio Lambino na sa 4th quarter ng 2018 ay maramdaman na ng taong-bayan ang pagbaba ng inflation rate na nararanasan ng bansa kung saan sa susunod na taon ay bababa na at inaasahang magiging 2.6 ang inflation rate.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Lambino na positibo ang kanyang pananaw na makakaahon din sa kahirapan ang sambayanang Pilipino dahil mga ginagawang hakbang ng Duterte Administration upang matugunan ang problema ng inflation rate.

Paliwanag ni Lambino itinutulak ng gobyerno ang policy reforms at palalakasin agriculture upang maresolba ang problema na nararanasang kahirapan at mga nagsisipagtaasang bilihin sa merkado.


Facebook Comments