POSITIVE | Mga lalaking nag-viral na naghahamon kay PRRD, nagpositibo sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ang ilang sa pitong lalaking sa viral video na nagmura at naghamon kay Pangulong Rodrigo Duterte habang gumagamit ng marijuana.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Senior Superintendent Harry Espela, Malabon City Chief of Police, ang mga pangalan ng mga nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Paliwanag ni Espela, kailangan pa kasing sumailalim sa clarificatory test na gagawin ng mga kawani ng Department of Health (DOH) ang mga nagpositibo sa drug testing.


Kasabay nito, hiningi ng Malabon PNP ang tulong ng anti-cybercrime group para matukoy ang authenticity ng video para magamit bilang ebidensya at makumpirma kung ang pitong lalaki nga ang nasa viral video.

Facebook Comments