Manila, Philippines – Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tumaas ang kumpyansa ng mga consumers sa ikalawang kwarter ng 2018.
Ayon sa resulta ng consumer expectations survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas sa 3.8 percent ang overall confidence index sa second quarter ng 2018 mula sa 1.7 percent noong first quarter.
Paliwanang ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, nangangahulugan ito na mas marami ang optimists o positibo ang pananaw sa ekonomiya ng bansa.
Ang positibong tugon ng mga respondents ay dahil umano sa pagbuti ng peace and order, dagdag sweldo, dagdag trabaho, epektibong polisiya ng gobyerno at mas mataas na ipon ng pamilyang Pinoy.
Facebook Comments