Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV isang very positive positive development ang pagbibitiw ni Mocha Uson bilang Assistant Secretary ng Presidential Communication Operations Office o PCOO.
Naniniwala si Trillanes na mas magiging epektibong asset ng administrasyong Duterte si Uson dahil nasa pribadong sektor na ito ngayon.
Sabi ni Trillanes, malaya na ngayong magagawa ni Uson ang magpahayag ng saloobin ng hindi makakagulo sa paglalahad ng mensahe ng gobyerno.
Gudluck naman ang mensahe ni Trillanes sa anumang mga plano ni Uson kaugnay sa 2019 elections.
Diin ni Trillanes, karapatan ni Uson na kumandidato sa alinmang posisyon na gustuhin nito.
Facebook Comments