Indonesia – Dalawampung medalyang ginto agad ang paglalabanan bukas matapos ang pormal na pagbubukas ng 2018 Asian Games sa Jakarta at Palembang, Indonesia mamayang gabi.
Unang sasabak ang Pinoy Jins na target magpasiklab sa taekwondo competitions.
Sasabak din sa aksyon ang Women’s Volleyball team kontra Thailand. Target ng mga Pinay na pinangungunahan nina Alyssa Valdez at Aby Maraño na makapasok sa Quarterfinals ng Asiad.
May kabuuang 272 na atletang Pinoy ang ipinadala sa Asian Games.
Facebook Comments