Mas mabuting pababain muna ang 5.6 positivity rate ng bansa bago luwagan ang alert levels classification.
Ayon kay University of the Philippines Pandemic Response Team Prof. Jomar Rabajante, ang positivity rate na higit sa 5 porsiyento ay sanhi kung bakit tila hindi pa bumababa sa 1,000 ang naitatalang COVID-19 cases.
Kung titignan aniya ang mga ospital, aabot pa rin sa 1,000 ang mga nasa Intensive Care Unit (ICU).
Aniya, dapat maging mahigpit ang monitoring kung luluwagan na nga ang alert levels sa bansa.
Nauna nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Romando Artes na isinasapinal na ang ilang guidelines bago ianunsiyo ngayong weekend ang desisyon sa bagong alert level.
Kabilang sa mga in-adjust na target ay ang 80 percent vaccination rate para sa sa A2 category o senior citizen at mga may comorbidity.