Positivity rate ng COVID-19, inaasahang magtutuloy-tuloy sa pagbaba hanggang Disyembre

Posibleng bumaba na ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at maging sa buong bansa hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

Sa Laging Handa briefing sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA research na batay sa kanilang projection magiging mababa na ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 dahil natapos na ang wave ng omicron subvariant XBB at XBC nitong nakalipas na Setyembre.

Batay naman sa personal observation ni Dr. David na 85 percent ng mga Pilipino ay nagsusuot pa rin ng face mask kahit pa may anunsyo na ang Malacañang na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor settings.


Natututo na raw ang mga Pilipino na pangalagaan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19.

Sinabi ni Dr. Guido na batay sa projection ng OCTA research team, aabot na lang sa 100 kada araw ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila habang 500 kada araw sa buong bansa pagsapit ng katapusan ng Nobyembre hanggang Disyembre.

Facebook Comments