Positivity rate ng COVID-19 sa NCR, bumaba sa 16.1 ayon sa OCTA

Bumaba sa 16.1% ang positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Batay sa pinakahuling datos ng OCTA Research, sinabi ni Dr. Guido David na makikita ang bahagyang pagbaba ng positivity rate mula sa 17.4% sa noong Agosto 7.

Dahil dito bumaba rin ang growth rate ng kaso sa NCR ng -7% habang bumaba naman sa 1.13 ang reproduction number, mula sa bilang na 1.17 noong August 5.


Gayumpaman, iginiit ni David na hindi dapat maging kampante ang publiko sa pagbaba ng kaso, dahil hindi pa rin nawawala ang virus at nananatili itong reversable o maaaring tumaas muli.

Samantala, sa ngayon ay nasa 37% naman ang bilang ng healthcare utilization at 32% na ang ICU occupancy ng COVID-19 mula Agosto 14.

Facebook Comments