Patuloy ang pagbaba ng seven-day COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa naturang sakit sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba ito sa 7.8 percent noong Nobyembre 7 kumpara sa naitala na 9.5% noong Oktubre 31.
Dagdag pa, nasa 1.54 percent ang average daily attack rate (ADAR) sa bawat 100,000 populasyon noong Nobyembre 8, habang ang growth rate ay nasa -29%.
Nananatili rin mababa ang reproduction number na nasa 0.75 percent na lang noong Nobyembre 5, habang bumaba na rin sa 26% ang healthcare utilization rate noong Nobyembre 7.
Una nang sinabi ni David na nakikita nila na mababa na lang sa 100 na kaso ng COVID-19 ang maitatala sa Metro Manila sa pagtatapos ng Nobyembre.
Facebook Comments