Positivity rate sa Metro Manila, pababa na; wave ng omicron subvariants na XBB at XBC, posibleng patapos na ayon sa OCTA research team

Posibleng patapos na ang wave ng XBB at XBC sub variants ng omicron.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA research na sa monitoring nila ng mga sub variant na ito sa Singapore ay mukhang pababa na rin.

Umaasa na lamang si David na magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso hanggang Disyembre.


Nitong Setyembre aniya kung kelan nakitang may pagtaas ng kaso, lumalabas na dahil ito ng sub variant na XBB.

Pero sa Metro Manila aniya ay nakikita naman nila na bumababa na ang positivity rate maging sa ilang bayan sa CALABARZON.

Sa record ng OCTA research bumaba na sa 12.3% ang 7-day average positivity rate sa Metro Manila kasama ang CALABARZON nitong oct 22, mula sa dating 14.9% noong oct 15, 2022.

Pero may ilang lalawigan aniya ay may pagtaas pa rin tulad sa Tarlac, Cagayan, Isabela, La union, Pangasinan, Iloilo sa Western Visayas, maging sa Misamis Oriental sa bahagi ng Mindanao.

Facebook Comments