Patuloy na tumataas ang positivity rate na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at iba pang probinsya.
Ito ay batay sa pag-aaral ng OCTA Research mula June 25 Hanggang June 29.
Ayon Kay Dr. Guido David ng OCTA Research, tumaas sa 7.5% ang positivity rate sa Metro Manila mula sa 6.0%.
Tumaas din ang positivity rate sa Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao del Sur, Iloilo, LAGUNA at Pampanga.
Pinakamataas naman ang naitala sa Cavite kung saan sumipa na sa 13.2% mula sa 5.9% positivity rate.
Samantala sa Rizal naman ay bumaba ang positivity rate Mula 11.9% sa 9.7%.
Facebook Comments