Positivity rate sa Metro Manila, bumaba na sa 5%

Bumaba na sa 5% ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila ayon sa OCTA Research.

Sa interview ng RMN Manila kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba nito ay ang mas malawak na pagpapabakunang gobyerno sa bansa.

Ayon naman kay Dr. Guido David, bumaba na sa 0.55 ang reproduction number sa naturang rehiyon ay mayroong healthcare utilization rate na mas mababa na sa 60%.


Matatandaang nasa 6% ang positivity rate ng Metro Manila sa nakalipas na linggo base sa datos ng OCTA.

Ang 5% pababa na positivity rate ay acceptable positivity rate base sa World Health Organization.

Facebook Comments