Positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas ayon sa OCTA Research Group

Bahagyang tumaas ang positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, tumaas sa 0.77 ang positivity rate sa rehiyon na naitala simula December 16 hanggang 22.

Mas mataas ito kumpara sa naitala noong December 12 hanggang 18 na nasa 0.62 lamang.


Sinabi ni David na ang nakikitang dahilan sa pagtaas ng positivity rate sa NCR ay ang social gathering at parties na ginagawa ngayong holiday season.

Sa kabila ng bahagyang pagtaas, sinabi ni David na maglalabas sila ng mas malinaw na datos sa susunod na linggo.

Facebook Comments