Positivity rate sa NCR, bumaba pa – OCTA

Lalo pang bumaba ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.

Sa datos ng OCTA Research Group nitong October 22, nasa 12.3% na lamang ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 testing mula sa 14.9% noong October 15.

Gayunman, pitong lugar sa bansa ang mataas pa rin ang positivity rate sa kaparehong panahon kabilang ang Cagayan, Isabela, La Union, Pangasinan, Tarlac, Iloilo at Misamis Oriental.


Pinakamataas ang positivity rate sa Tarlac na nasa 50.6%.

Facebook Comments