Positivity rate sa NCR, bumulusok sa 3% — OCTA

Sumadsad pa sa tatlong porsyento ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, pasok ito sa 5 percent positivity rate benchmark ng World Health Organization (WHO).

Aniya, nakapagtala na lamang ang Metro Manila ng 2.58 na Average Daily Attack Rate (ADAR) at 0.37 na reproduction number o bilis ng hawaan ng virus.


Sinabi rin ni David na tatlong Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila ang nasa ‘very low risk’ na ng COVID-19 habang ang 14 na lungsod ay nasa low risk.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa antas ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 matapos na masuri habang ang ADAR naman ay ang average number ng indibidwal na nagkaka-COVID-19 sa bawat 100,000 indibidwal bawat araw.

Facebook Comments