Bahagyang tumaas ang seven-day positivity rate sa National Capital Region.
Mula sa 12.4 percent noong December 3 ay umakyat sa 14.4 percent ang dami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 testing hanggang noong December 10.
Pinakamalaki ang itinaas ng positivity rate sa Kalinga na ngayon ay nasa 57.9 percent mula sa dating 20.8 percent.
Naobserbahan din ang pagtaas ng positivity rate sa Batangas, Bulacan, Cagayan, Cavite, Albay, Camarines Sur, Isabela, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Pampanga Quezon, Rizal at Zambales.
Facebook Comments