Thursday, March 19, 2026

POSO ALAMINOS CITY, HINDI SAKOP NG 4-DAY COMPRESSED WORKWEEK

Tiniyak ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Alaminos City na mananatiling tuloy-tuloy ang kanilang operasyon at serbisyo sa publiko, sa kabila ng ipinatutupad na 4-day workweek sa ilang tanggapan ng pamahalaang lungsod.

Ayon sa abiso, bukas ang tanggapan ng POSO 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo, upang masiguro ang walang patid na pagbabantay sa seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad. Hindi apektado ng bagong iskedyul ang kanilang operasyon, kaya’t nananatiling nakaantabay ang kanilang mga tauhan sa anumang oras na kinakailangan.

Patuloy na magbibigay ang POSO ng mga serbisyong may kinalaman sa seguridad, kaligtasan, at traffic assistance, lalo na sa mga agarang sitwasyon at insidente sa lungsod.

Hinihikayat din ang publiko na makipag-ugnayan agad sa tanggapan ng POSO para sa anumang emergency o concern, bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments