Nilinaw ng Public Order and Safety Office (POSO) sa Alaminos City, Pangasinan na walang katotohanan ang kumakalat na video na umano’y kuha sa PEB Covered Court at nagpapakita sa isang babae at lalaki na diumanong sangkot sa malaswang gawain.
Ayon sa POSO, base sa masusing imbestigasyon, kabilang ang pagsusuri ng CCTV footage at beripikasyon ng oras at lokasyon, napatunayang hindi totoo ang paratang laban sa dalawang indibidwal sa video.
Kinondena ng opisina ang pagpapakalat ng maling impormasyon at paglabag sa privacy sa pamamagitan ng pagkuha at pag-share ng mga hindi awtorisadong video, na maaari umanong magdulot ng seryosong pinsala sa reputasyon at paglabag sa batas.
Hinimok naman ng POSO ang publiko na maging responsable sa paggamit ng social media at tiyaking beripikado ang impormasyon bago ito ipakalat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









