Dahil sa holiday season at pagdiriwang ng city fiesta, nagpatupad ang Public Order and Safety Office (POSO) ng Dagupan ng night shift duty sa kanilang mga enforcers upang maging maayos ang pag-agapay sa publiko sa daloy ng trapiko.
Ayon kay Rexon De Vera, Assistant Head ng POSO Dagupan, dumami umano ang bilang ng mga tao na nagtutungo sa lungsod kumpara sa mga normal na araw, dahilan upang tumaas ang traffic congestion, partikular na sa downtown area.
Tinututukan din ng POSO ang mga ginagawang kalsada na nagdudulot ng karagdagang abala sa mga motorista.
Subalit, positibo naman ang reaksyon ng ilang mananakay at tsuper dahil sa pagpapatupad ng night shift, na nagbigay solusyon sa patuloy na pagsisikip ng trapiko sa gabi.
Aabot sa 60 POSO enforcers ang nagsasagawa ng monitoring sa buong lungsod upang matiyak na maayos ang daloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan sa kabila ng dagsang tao at mga aktibidad ngayong kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨