Dahil pa rin sa kasalukuyang rehabilitasyon ng mga kalsada at drainages sa lungsod ng Dagupan, nagpatupad ang Public Order and Safety office ng one-way traffic scheme nang sa gayon ay mabalanse ang takbo ng trapiko habang kasalukuyang isinasaayos ang mga daanan sa lungsod.
Ipinatupad ang one-way traffic scheme upang sa gayon ay mabigyan ng daan ang pagsasagawa ng naturang development project ng lungsod.
Ayon kay Dagupan City POSO Chief, Arvin Decano, hindi umano maaaring mag-stop ang go ang konstruksyon ng kalsada sa bahagi ng A.B Fernandez Avenue kung saan tinatabunan na ito upang i-upgrade dahil lubos namang maaapektuhan ang bahagi ng M.H. Del Pilar at Arellano St.
Ang ilang motorista at residente, apektado sa ipinatupad na scheme dahil mahina na ang kanilang kita sa pamamasada dahil sa pansamantalang ruta na ipinatupad at lalo madalas ang pagbaha sa mga kalsadang isinasaayos.
Sa kabila pa rin nito ay nagtalaga ang POSO ng alternatibong ruta para sa mga motorista at may mga malalaking signages upang magsilbing paalala kung saan ang mga kalsadang pansamantalang dadaanan. |ifmnews
Facebook Comments