Patuloy sa pagpapaalala ang Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan ukol sa pulisya laban sa jaywalking.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay POSO Dagupan Deputy Chief Rexon De Vera, bagamat hindi 100% itong naipapatupad, patuloy pa rin sila sa pagpapaalala sa mga Dagupenyo na tumawid sa tamang tawiran.
Kaakibat ng mga enforcers ang mga megaphone gayundin ang pwersa ng pulisya para maipatupad ang polisiya.
Ayon pa kay De Vera, marami pa rin umano ang hindi tumatawid sa tamang tawiran bunsod ng mga road levitation projects na isinagawa kaya wala pang markings ang ibang kalsada.
Hirit umano ng ilan, lalo na ng mga matatanda, malayo umano ang ibang pedestrian lane na siya namang iniintindi na lamang ng mga enforcer.
Samantala, nagbabala pa rin ang opisina sa sinumang lalabag na may karampatang multa ang sinumang lalabag.





