POSO DAGUPAN, TINITIYAK ANG KALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE SA NALALAPIT NA BALIK-ESKWELA

Binigyang katiyakan ng Public Order and Safety Office Dagupan (POSO) na sila ay katuwang ng mga paaralan sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga estudyante sa gitna ng kakalsadahan lalo at nalalapit na ang pagbabalik-eskwela ng mga ito.

Sa panayam ng IFM News Team kay POSO Dagupan Chief Arvin Decano, nakahanda ang kanilang hanay sa pagsisiguro ng mga bahaging dinadaanan ng mga estudyante tulad sa tapat ng kanilang mga paaralan at mga tabing daanan.

Inihayag rin nito na hinihintay na lamang umano nila ang contractor para sa paglalagay ng mga pedestrian lanes sa mga kalsada sa lungsod upang magkaroon ng mas maayos na daloy ng trapiko at tamang tawiran ng mga pedestrian.

Sa ngayon, binabantayan ng traffic enforcers na nakatalaga ang mga bahaging nakararanas ng mabagal na daloy ng trapiko upang patuloy pa rin na sumunod ang mga motorista sa batas trapiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments