POST-ASSESSMENT NG BAGYO, PINANGUNAHAN PARA SA MABILIS NA PAGBANGON

Pinangunahan ng Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) katuwang ang Lokal na Pamahalaan kahapon, ang post-assessment ng mga danyos mula sa mga nagdaang bagyo.

Kasama sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Team ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nagsuri sa mga pinsala upang makabuo ng mga angkop na rekomendasyon para sa mga ipaabot na tulong sa mga naapektuhang lugar.

Sa lokal na antas, nagbigay suporta naman ang mga kaukulang tanggapan ng pamahalaang lungsod upang matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagtugon at rehabilitasyon para sa mga apektadong komunidad.

Kamakailan, humagupit ang bagyong Crising, Dante, Emong at ang habagat na nagdulot ng mga danyos at pagbaha sa malaking bahagi ng lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments