Pinapatunton na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga estudyante na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, may post calamity assistance na ipagkakaloob ang CHED sa mga estudyante na nawalan ng kabuhayan.
Ang mga funding assistance ay magsisimulang ipatupad sa second semester ng school year 2020-2021.
Iniutos din ni de Vera sa mga HEIs na pagkalooban ng special exams, tutorial, mga bridging programs at post traumatic activity sa apektadong estudyante sa sandaling magbukas muli ang mga klase.
Batay sa datos, nasa 2,019 ang mga estudyante na nakikinabang sa UNIFAST program ng gobyerno o subsidiya ng gobyerno sa kanilang pag-aaral.
Kabilang dito ang mga Senior high schools students, TESDA students at mga nasa kolehiyo.
Sa ngayon ay abot sa 32,000 mula sa 36 na Higer education Institutions ang apektado.
Karamihan sa mga HEIs na ito ay nasira ang kanilang mga pasilidad dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Taal gaya ng Agoncillo, Tanauan, Lemery at Taal.