Isinasapinal ng pamahalaan ang Post-Disaster Needs Assessment kaugnay ng ginagawang pagdetermina sa naging lawak ng pinsala ng Bagyong Odette.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, gagawin ito ng Office of the Civil Defense at ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Mahalaga ani Nograles ang Post-Disaster Needs Assessment sapagkat dito malalaman kung ano ang kakailanganin sa inihahandang rehabilitation at recovery efforts ng gobyerno.
Dito din bubuuin ang mga kumite na syang tututok sa gagawing programa ng muling pagbangon hindi lamang para sa mga biktima ng kalamidad kundi pati sa re-construction ng mga lugar na hinagupit nang nagdaang bagyo.
Base sa direktiba ni Pangulong Duterte may itatatag na subcommittee on infrastructure at sub-committee on shelter upang agad na may matirahan ang mga apektadong residente.