Post-election scenario, tinututukan ng PNP

Focus naman ngayon ng Philipine National Police (PNP) ang post-election scenario.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, babantayan nila ang iba’t ibang mga posibilidad sa pagtatapos ng eleksyon.

Kasama na rito ang bilangan ng boto na posibleng mauwi sa ballot snatching at panggugulo ng mga kandidato na hindi tanggap ang kanilang pagkatalo.


Ani Fajardo, tututukan nila ang mga ito hanggang pormal nang makaupo ang mga nanalong kandidato.

Giit ng opisyal, mananatili sa full alert ang kanilang status at sisikapin nilang mapanatili ang kapayapaan sa bansa hanggang sa pagtatapos ng election period sa November 29.

Facebook Comments