Post-holiday surge sa COVID-19 cases, sa Enero 15 pa malalaman

Hindi pa masabi ng Department of Health (DOH) kung nagkaroon ng COVID-19 case surge nitong holiday season.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa Enero 15, 2021 pa ito maaaring malaman lalo’t marami sa ating kababayan ang hindi pinagtuunan ang kanilang kalusugan.

Marami kasi aniya ang ipinagpabukas o isinantabi ang pangangailangan na kumonsulta sa doctor at magpasuri.


Una nang sinabi ng DOH at OCTA Research Team ng University of the Philippines (UP) na posibleng tumaas ang kaso ng COVID nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon dahil sa mga party at reunion.

Facebook Comments