Post Lenten Job Fair ng Taguig City PESO, isinagawa ngayon

Kung mapupunan lahat ngayong araw na ito, isang libo pitong daang mga Filipino ang mabibigyan ngayon ng trabaho.

Ito ay dahil sa may kabuoang bilang na tatlumpo at limang mga employers ang dumating at nakiisa sa Post Lenten Job Fair ng Taguig City Peso dito sa Mercado Del Lago, Taguig.

Sa listahan ng kanilang mga hinahanap na trabahante, kulang pa ang dumating na aplikante.


Ito ay dahil na rin sa wala pang dalawang daan ang dumating na mga aplikante.

Samantala, bago ito ay nakailang job fair na dito sa Mercado, noong Abril 1, 8, 15 at ngayong araw, pagsamasamahin man ang bilang ng mga aplikante sa mga nabanggit na job fair, iisa ang umiiral na katotohanan, maraming Taguigeño and hindi pa handa o aayaw magtrabaho.

Habang sinusulat ang balitang ito, patuloy ang pagdating ng mga employer na isang matibay na patunay na maraming trabaho ang naghihintay hindi lamang para sa mga Taguigueño kundi para rin sa mga taga ibang lungsod dito sa Metro Manila.

Mga High School Graduate o College Level ang karamihang tinatanggap. Ngayon dito. Basta madaling matuto, pasok ka dito.

Hindi rin kailangang may experience. Kailangan lang na madali matuto upang makapasa sa training.

Facebook Comments