Post-pandemic syndrome, isa sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng suicide sa bansa

Naniniwala ang isang clinical psychologist na malaki ang epekto ng tinatawag na post-pandemic syndrome sa pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng anxiety at depression.

 

Sa interview ng RMN Manila, inihalimbawa ni Dra. Camille Garcia ang mga estudyanteng natatakot bumalik sa face-to-face classes lalo na’t nasanay na sila sa higit isa’t kalahating taon na nasa loob lamang ng bahay dahil sa lockdown.

 

Kasunod nito, sinabi pa ni Garcia na nakakadagdag din sa mga nakakaranas ng depression ang mga nawalan ng trabaho.


 

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 4,420 ang naitalang suicide deaths noong nakaraang taon at mas mataas din ito ng 57 percent kumpara sa 2,810 na kaso noong 2019.

Facebook Comments