Kinontra ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga mungkahi na tularan ng Pilipinas ang postal o mail voting na ginawa sa presidential elections sa Estados Unidos para makaiwas sa COVID-19 ang mga botante.
Giit ni Sotto, ang postal voting ay ang pinakamadaling paraan ng dayaan.
Malaking tanong din para kay Sotto, kung sino ang tatanggap, paano ipapadala at kailan o paano bibilangin ang mga boto na ipapadala by mail mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Dagdag pa ni Sotto, ano ang gagawin kung may mag-leak na resulta totoo man o dinoktor.
Diin naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, maaari natin itong ikonsidera sa hinaharap.
Pero ayon kay Drilon, sa ngayon ay walang paraan na ang tunay na boto ng taumbayan ang lalabas sa mail voting system dahil sa talamak na bentahan ng boto at paninindak tuwing halalan sa ating bansa.