Poste ng Kuryente Bumagsak Dahil Sa Truck

Isang truck ang aksidenteng bumangga sa isang poste ng kuryente sa gilid ng Saint Louis University, Bakakeng Campus pasado alas onse ng Martes.

Ang pagkabangga ng truck ay naging dahilan ng pagbagsak ng poste ng kuryente na naging sanhi ng pagkawala ng kuryente sa Camp 7.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkabangga ng truck at ang halaga ng napinsala nito.


Kaya mga idol, katulad ng lagi naming paalala, doble ingat sa pagmamaneho.

Facebook Comments