POSTE NG KURYENTE, NASUNOG SA BARANGAY BANTAYAN SA MANGALDAN

Nasunog ang isang poste ng kuryente sa Barangay Bantayan, Mangaldan pasado alas-12 ng hatinggabi kahapon, Oktubre 19.

Ayon sa Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO), nagsimula ang apoy sa mga kable ng telecommunication na nagdulot ng pagliyab at nadamay ang iba pang linya ng kuryente.

Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Mangaldan upang apulahin ang apoy matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen bandang 11:30 ng gabi.

Ayon sa BFP, walang malaking pinsalang naitala sa insidente na ginamitan lamang ng fire extinguisher ng mga bumbero upang apulahin at maiwasan ang panganib mula sa mga live wires.

Facebook Comments