POSTED COMPUTERIZED VOTERS LIST, SINIMULAN NG IIMPRENTA NG COMELEC PANGASINAN

Tuloy-tuloy at puspusan ang ginagawang paghahanda ng Commision on Election Pangasinan para sa nalalapit na pagsasagawa ng Local at National Election sa darating na May 9 ngayong taon kung saan kabilang na sa inihahanda ang pag imprenta ng mga Posted Computerized Voters List.

Inihayag ni Atty. Ericson Oganiza, Pangasinan Provincial Election Supervisor na gagamitin ng ahensiya ang naturang listahan upang matukoy ang mga botante sa bawat lugar at ito rin ay kailangang sertipikahan ng Election Registration Board.

Sa naturang listahan ay makikita at mababasa dito ang pangalan ng mga botante maging ang iban pang detalye ng mga ito gaya na lamang ng kanil;ang address at precint number kung saan sila boboto.

Ito umano ay magiging malaking tulong upang madaling makita at hindi na mahirapan ang isang botante para hanapin ang lugar na kanilang pagbobotohan at presinto sa mismong araw ng halalan lao ngayong pahirapan dahil sa nasa gitna parin ng pandemya.

Batay naman sa datos, pumalo na sa 2,096, 936 ang bilang ng botante ngayon sa buong Pangasinan na anakatakdang bumoto para sa halalan.

Sa huli, sianbi ni Atty. Oganiza na sa buwan ng Marso ay maaaring umpisahan ang training para sa indibidwal na kabilang sa mga magsisilbi sa darating na halalan o ang mga Electoral Boards. | ifmnews

Facebook Comments