Pasok sa ikatlong round ng FIBA Dunk of the Decade ang poster dunk ni Gabe Norwood kay Luis Scola ng Argentina.
Nakakuha ng 77 percent na boto si Norwood dahilan kaya natalo niya ang entry dunk ni Yi
Jianlian ng China.
Dahil dito, sunod na magiging mahigpit na kaharap ni Norwood ang entry dunk ni Arsalan Kazemi ng Iran noong 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament.
Ang botohan ay magaganap hanggang June 28 kung saan ang mapipiling fans ay mananalo ng Official FIBA Ball.
Facebook Comments