Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month at Girl-Child Week, nagsagawa ng isang Poster Making Contest sa bayan ng Manaoag.
Iniugnay ang gawang poster ng mga kalahok sa emang “End Violence Against Women and Children”.
Labing-apat na batang babae ang lumahok sa kompetisyon, at ipinakita nila ang kanilang mga likhang sining na naglalaman ng mga mensahe ng proteksyon at paggalang sa bawat isa.
Ang mga poster ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagbibigay pansin sa mga karapatan ng kababaihan at mga bata, at ang pangangailangan ng pagtatapos ng karahasan laban sa kanila.
Ang programa ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Manaoag, at kabilang sa mga aktibidad ang mga paliwanag ukol sa mga batas na naglalayong protektahan ang mga kababaihan at bata mula sa pang-aabuso at harassment.
Layunin ng programang ito na palaganapin ang kamalayan ukol sa mga karapatan ng kababaihan at mga bata at ang patuloy na paglaban sa karahasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨